George Clooney, engaged sa British lawyer na si Amal Alamuddin!

  • 9 years ago
George Clooney, engaged sa British lawyer na si Amal Alamuddin!


Ang aktor na si George Clooney, nabalitaang engaged dumano sa British lawyer na si Amal Alamuddin.

Sa mga babaeng viewers -- maupo po kayo, at may bad news kami para sa inyo.

Nakaupo na ba kayo? Okay, good. Si George Clooney ay...engaged.

Ang kilalang playboy na si George Clooney ay nag-propose diumano sa kanyang girlfriend na si Amal Alamuddin, kamakailan lang.

Yup. Hindi kayo nagkamali ng pagkarinig. Si Amal Alamuddin ay nakitang may suot na singsing na may napakalaking diamante sa kanyang ring finger.

Ang 36-year-old na British lawyer ay nagse-specialize sa International Law at Human Rights. Siya ay marunong magsalita ng English, French, at Arabic.

Ayon sa isang source ng US Weekly, si George ay napakasaya, at si Amal ay isang sweet at matalinong babae na may sariling pag-iisip at ideya, at hindi basta-bastang sumusunod lang sa mga sinasabi ni Clooney.

Balak nilang magkasama nang habangbuhay. Pero malamang ay ikagagalit ng mga ex-girlfriends ni Clooney ang balitang ito.

Minsan ring ikinasal si Clooney. Pinakasalan niya si Talia Balsam noong 1989, at sila ay naghiwalay noong 1993. Simula noon ay wala nang ipinakitang interes sa pag-aasawa ang aktor.

Anong nangyari sa kanyang pagsumpa na siya ay never na mag-aasawang muli, dahil ang pag-aasawa ay hindi para sa kanya? Sabi nga nila -- never say never.

Anong masasabi niya sa kanyang mga ex para hindi sumama ang kanilang loob?

Kung kami iyan, dapat mag-sorry siya, sabay regalo ng mamahaling alahas!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended